NTC, tutulong sa public assistance operations ngayong Semana Santa

Inatasan ng National Telecommunications Comission (NTC) ang lahat ng regional office nito na tumulong sa mga ahensya ng pamahalaan para sa paggunita ng Holy Week.

Ayon sa inilabas na memorandum order ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inatasan lahat ng Regional Directors na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) para sa kani-kanilang public assistance operations ngayong Semana Sanata.

Kabilang sa pinatutukoy ng NTC sa mga regional directors nito ang tulong na maaaring ibigay ng ahensya sa pagbibigay ng temporary permits and licenses.


Inatasan din ang mga regional office na i-monitor ang operasyon ng mga CAGs at RAGs sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

Facebook Comments