
Susunod ang Kamara sa utos ng Supreme Court na magsumite ng dagdag na mga impormasyon kaugnay sa kinakaharap na impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa tagapagsalita ng House of Representatives na si Atty. Princess Abante, natanggap na ng Kamara ang resolusyon ng Supreme Court hinggil dito at nai-refer na nila sa Office of the Solicitor General (OSG).
Ang hakbang ng Kataas-taasang Hukuman ay tugon sa inihaing petisyon ni VP Sara at kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon na kumukwestyon sa constitutionality at proseso ng impeachment proceedings na nasa kamay na ng Senado.
Tiniyak ni abante ang mahigpit nilang pakikipag-ugnayan sa OSG na syang tumatayong counsel ng Kamara sa kaso.
Facebook Comments









