Kamara, umaapela sa Senado na bigyang tsansa ang economic Cha-Cha

Umaapela si House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr., sa mga senador na bigyan naman ng pag-asa ang economic Charter Change (Cha-Cha).

Panawagan ni Garbin sa mga senador, maging bukas at bigyan ng tsansa ang economic Cha-Cha.

Aniya pa, ipaubaya sa taumbayan ang kapalaran ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon sa pamamagitan ng isang plebesito na isasabay naman sa 2022 elections.


Dagdag pa ni Garbin, kung isasabay sa halalan ng susunod na taon ang plebesito sa Cha-Cha ay hindi ito magastos dahil walang ilalabas na pondo para dito.

Magkagayunman, nang magtanong si Garbin kung may Plan B sakaling hindi tanggapin ng Senado ang Cha-Cha, inamin ng kongresista na wala pa silang plano para dito.

Aniya, wala pa kasing pormal na pag-uusap ang liderato ng Kamara at Senado patungkol sa mga itinutulak na amyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas.

Kahapon, inaprubahan ng komite ni Garbin ang Resolution of Both Houses No. 2 sa botong 64 na Yes, 3 na No at 3 na Abstention.

Facebook Comments