Cabinet meeting, idaraos ngayong araw

33
Photo Courtesy: Sen. Bong Go

Magkakaroon ng cabinet meeting sa Malacañang mamayang gabi.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.


Pangkaraniwan ay ginaganap ang cabinet meeting tuwing unang Lunes ng kada buwan, pero dahil may Talk to the People si Pangulong Duterte nitong Lunes, inilipat ito ngayong araw.

Hindi pa naman masabi ni Roque kung ano ang magiging agenda ng cabinet meeting.

Gayunpaman, magsasagawa ng press briefing bukas ng alas-10:00 ng umaga si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles para magbigay ng update sa policy directives ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng gaganaping cabinet meeting mamaya.

Facebook Comments