Kamara, umapela sa Senado na huwag abandonahin ang 2019 budget

Manila, Philippines – Umaalma si House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., sa plano ng Senado na bawiin ang senate version ng General Appropriations Bill at ituloy ang re-enacted budget para ngayong taon.

Giit ni Andaya, hindi sila pabor sa Kamara na gawing reenacted ang budget ngayong 2019 at ang nais lamang nila ay transparency sa budget.

Umapela ang kongresista sa mga senador na huwag abandonahin ang bicameral conference committee at ituloy ang pagtalakay sa 2019 proposed national budget.


Hindi aniya nagbabago ang kanilang posisyon na magkaroon ng bagong budget ngayong taon at hindi mauwi sa reenacted lamang.

Nakahanda din ang Mababang Kapulungan na ilabas ang kanilang mga ginawang amyenda sa pambansang pondo.

Mababatid na naging mailap ang Senado sa pagtalakay sa budget matapos na lumabas na may mahigit P189 Billion na pondo ang Senado para sa infrastructure projects gayong nasa P51 Billion naman sa Kamara.

Facebook Comments