Kamara, umapela sa Senado na tutukan din ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law matapos itong sertipikahang urgent ni PBBM

Ikinatuwa ng liderato ng House of Representatives ang plano ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na sertipikahang “urgent” ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law o RTL.

Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, sa ngayon ay tinatrabaho na ito ng Kamara at sa katunayan ay puspusan ang pagdinig dito ng House Committee on Agriculture and Food.

Bunsod nito ay umapela si Suarez sa Senado na tutukan na rin ang kaparehong panukala lalo’t nakatakdang mag-sine die adjournment ang Kongreso sa May 24.


giit ni Suarez, mainam na tugon sa mataas na presyo ng bigas ang pag-amyenda sa RTL para makapagbenta muli ng murang bigas ang National Food Authority o NFA.

Facebook Comments