Pag-extract sa labi ng 2 Pinoy seafarers na naiwan sa barkong tinamaan ng missile attack ng Houthi rebels, sisimulan pa lang

Sisimulan pa lang ang pag-extract sa barko sa labi ng dalawang Filipino seafarers na nasawi sa missile attack ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, ngayon lamang kasi nahila ang barko sa port.

Inamin din ni Cacdac na matatagalan ang pag-extract sa mga labi ng 2 OFWs dahil nasunog ang barko.


Mismong ang fuel area aniya kasi ng barko ang tinamaan ng missile.

Sa ngayon, blangko aniya sila kung saan naka-locate sa loob ng barko ang labi ng dalawang Pinoy seafarers.

Facebook Comments