Manila, Philippines – Inihalintulad ni Caloocan Archbishop Pablo David ni panginoong Hesukristo na pinako sa krus ng walang kasalanan ang kamatayan ni Kian Loyd delos Santos na dinampot ng mga pulis ng walang kasalanan at pinaslang din ng walang kalaban laban dahil lang sa giyera sa ilegal na droga ng Duterte Administration.
Sa kanyang sermon binigyaang diin ni Archbishop David na hindi nag-iisa ang mga naulilang ina at ama ni Kian na sina Zaldy at Lorenza Delos Santos dahil marami ring mga kabataan ang dinukot at pinatay sa ibat ibang lugar sa CAMANAVA Area na naka-bonet na mga suspek.
Giit ni Archbishop David magsilbing aral sana sa gobyerno ang mga nangyayaring patayan sa bansa na dapat tigilan na at huling biktima nasa si Kian dahil wala itong magandang maidudulot upang mapaganda ang kinabukasan ng bansa.
Ipinunto ni Bishop David ang nakatala sa bibliya ang John 3:16 kung saan ganun nalamang ang pagmamahal ng ama sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sanlibutan.
Dagdag pa ni Bishop David lumuha ang langit at nakiisa sa paghahatid sa huling hantungan kay Kian Delos Santos dahil pinatay umano ang grade 11 student ng walang kalaban laban.
Hinamon din ni David ang mga nabiktima ng EJK na lumutang din at ilahad sa publiko huwag matakot upang malaman ang buong katotohanan.