COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, itinangging ‘kinukudeta’ si Chairman Andy Bautista

175

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na kinu-kudeta nila si Chairman Andres Bautista.

Ito’y matapos na magpakita ng suporta kay Bautista ang mga empleyado ng COMELEC kasunod ng panawagan ng anim na commissioner na mag-leave o magbitiw na siya sa puwesto.

Hinala pa ni Guanzon, posibleng may nagmamani-obra sa komisyon.


Sabi naman ni Bautista, hindi niya inutusan ang mga empleyado na magsuot ng pulang damit para magpakita ng suporta sa kanya.

Muling iginiit ni Guanzon na apektado na ng mga pinagdadaanan ni Chairman ang komisyon.

Bukod sa kasong isinampa sa kanya ng asawang si Patricia Bautista, nahaharap na rin sa impeachment complaint sa kamara si Chairman kaugnay ng umano’y mga tagong-yaman niya.



Facebook Comments