Kambal arestado dahil sa Shabu sa Tacurong City

KALABUSO ang magkapatid na kambal sa isinagawang Anti Illegal drug operation ng City Drug Enforcement Unit CDEU at Tacurong City PNP sa bahagi ng national highway Purok Malipayon Barangay San Emmanuel, Tacurong city.
Kinilala ang nahuling kambal na sina Oniv Ville Pompong Vino, 21 anyos, estudyante at Oliver Pompong Vino, pawang residente ng Abadella Subdivision Purok 11 Barangay Poblacion Tacurong city.
Nakuha sa isingawang operation buy bust operation ang isang (1) sachet ng shabu at isang (1) 500 peso na buy bust money na ginamit ng posuer buyer sa pagpapanggap na bibili ng droga sa mga ito.
Ngunit sa isinagawang body search sa mga ito makuha sa kay Oliver ang pito (7) sachet pa ng pinaniniwalaang shabu.
Kasong paglabag sa Violation of RA 9165 o Comprehension of Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapon ng kambal na Vino.(Daisy Mangod)

Facebook Comments