National Flag Day, ilulunsad ngayong araw

Ilulunsad ngayong araw ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang stop and salute campaign bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day.

Ayon kay Alvin Alcid, chief ng Research, Publications, and Heraldry Division ng NHCP, layon nitong paigtingin ang paggalang sa watawat.

Aniya, sesentro sa Alapan, Imus, Cavite ang pagdaraos ng NHCP ng National Flag Day.


Kasabay nito, hinimok ni Alcid ang publiko na huminto at sumaludo sa watawat na kanilang makikita ngayong araw.

Umaasa rin sila na maliban sa mga tanggapan ng pamahalaan ay makikiisa rin sa National Flag Day ang mga mall.

Facebook Comments