Kambal sa Pamplona Cagayan, Dead On the Spot Matapos Mabangga!

Pamplona, Cagayan – Kaagad na binawian ng buhay ang kambal na lalaki matapos na mabangga ng pampasaherong Van ang kanilang motorsiklo sa Barangay Allasitan, Pamplona Cagayan kahapon sa oras na alas singko y medya ika apat ng Mayo.

Sa ugnayan ng RMN Cauayan kay Cagayan Police Director Senior Superintendent Warren Tolito, nakilala ang kambal na sina Erick Purilyo at Emilio Purilyo, apatnaput siyam na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Sinabi pa ni Senior Superintrndent Tolito na sakay ng motorsiklo at pauwi ang kambal kung saan ay lasing umano ang mga ito at mabilis ang pagpapatakbo lalo na sa palikong bahagi ng daan sa Allasitan.


Nag-overtake pa umano ang motor ng kambal at hindi na napansin ang kasalubong na pampasaherong Van.

Sa resulta ng banggaan ay tumilapon ang mga biktima sa daan na wala pang suot na helmet.

Nasa himpilan na ng pulisya ang pampasaherong van maging ang drayber na kasalukuyan pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments