Kambing na nanghimasok sa isang bahay. naabutang tulog sa banyo

698
Photo: Jenn Keathley via AP

Basag na sliding door at kakaibang amoy ang naabutan ng isang dalaga sa kanilang bahay sa Ohio, US, matapos pasukin ng kambing na nadatnang natutulog sa banyo.

Pauwi na ang 18-anyos na si Logan Keathley sa kanilang bahay sa Ashland nang mapansin niyang hindi mapakali ang alaga nilang German shepherd, ayon sa ulat ng Fox News, Oktubre 9.


Pagpasok sa wasak na pinto, nadiskubre niya sa banyo ang higanteng kambing na pinangalanang “Big Boy.”

Napag-alamang isang linggo na nang makawala ang kambing galing sa isang bukid ilang milya ang layo mula sa lugar.

Sinubukang palabasin ng awtoridad si Big Boy gamit ang carrot, buto, at damo, pero hindi ito bumigay.

Matapos ang ilang palpak na pain, hinawakan sa sungay at hinila na ng opisyal ang kambing palabas ng bahay at saka inilagay sa kulungan ng aso.

Photo: Jenn Keathley via AP

Ligtas namang naibalik si Big Boy sa nag-aalaga rito.

Kahit nailabas na ang kambing, problemado naman ang pamilya Keathley sa iniwang amoy ng ihi nito na matindi umano ang kapit.

Facebook Comments

From Advertisers