MAGKAPATID, PATAY SA SALPUKAN NG 2 SASAKYAN!

115

Attachments area
*C**auayan City, Isabela* – Namatay ang magkapatid dahil sa salpukan ng trailer truck at wing closed van sa San Luis, Diadi, Nueva Vizcaya.

Ang magkapatid na biktimang lulan ng van ay kinilalang sina June Bautista, driver at Rico Bautista, pahinante kapwa residente ng Minuli, Carranglan, Nueva Ecija.


Sa kaalaman na nakuha ng 98.5 I Fm Cauayan kay PCapt Felix Mendoza, hepe ng Diadi Police Station, batay sa kanilang imbestigasyon, habang nasa pakurbang bahagi ng daan ang walang laman na wing van patungong timog ay sumabog ang gulong nito.

Dahil sa pagsabog,,hindi nakontrol ng tsuper ang manibela at sumalpok sa kasalubong na trailer truck. Ayon pa kay PCapt. Mendoza, ang gulong ng wing closed van na sumabog ay nasa 50%-60% pa ang kapal. Teorya ng PNP, posibleng mayroong nasagasaan ang van na naging sanhi ng pagsabog ng gulong.

Ang tsuper ng trailer truck na si Joebert Adilla, 35 anyos, may asawa at residente ng Talulit, San Fernando, Pampanga ay nasa pag iingat na nag PNP Diadi. Desidido ang pamilya ng mga biktima na sampahan ng kaso si Adilla.

Facebook Comments

From Advertisers