Kampaniya kontra droga, hindi magiging madugo – PDEA

39

*Manila, Philippines – *Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi magiging magudo ang kanilang kampaniya kontra illegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, malaking hamon sa kanila ang pangunguna sa mga operasyon kontra droga lalo na’t kulang sila sa pondo at tauhan.

Nasa 2,000 aniya ang tauhan ng PDEA habang nasa halos 200,000 tauhan ng PNP.

Giit ni Aquino, target nilang unahin ang listahan ng pangulo at tutukan rin nila ang mga pantalan.

Bagaman tapos na ang panahon ng oplan tokhang, sinabi ni Aquino na hihingin pa rin nila ang tulong ng PNP bilang back up sa mga operasyon at sa intelligence gathering.

Facebook Comments