Pinagtibay ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 (DOLE RO 1) ang kanilang adbokasiya laban sa child labor sa pamamagitan ng isinagawang Regional Council Against Child Labor (RCACL) meeting at Mid-Term Assessment ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL) Strategic Framework 2023–2028.
Tinalakay sa pagpupulong ang progreso ng PPACL, kasalukuyang datos tungkol sa Working Children Situation (2022–2024), at ang ASEAN Roadmap para sa Prevention and Elimination of Worst Forms of Child Labor
Binigyang-diin ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng DOLE at mga partner agencies upang masiguro na ang mga programa ay tugma sa pangangailangan ng mga bata at komunidad.
Sa pamamagitan ng mga collaborative workshops, natukoy ang mga implementation gaps at inilahad ang mga rekomendasyon para mas mapabuti ang monitoring, evaluation, at reporting ng PPACL sa rehiyon.
Ang mid-term assessment ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DOLE Region 1 na magkaroon ng isang rehiyon na malaya sa child labor.








