Friday, February 27, 2026

KAMPANYA KONTRA DROGA, PINALALAKAS PA SA BAYAN NG BASISTA

Nagsagawa ng pulong ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa Barangay Malimpec bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at upang patatagin ang ugnayan ng komunidad at kapulisan.

Aktibong nakibahagi ang mga tauhan ng Basista Municipal Police Station sa isinagawang pagpupulong.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay Malimpec sa bayan ng Basista.

Nakapokus ang pagpupulong sa pagpapalakas ng mga estratehiya laban sa ilegal na droga, pagpapabuti ng community-based interventions, at pagpapatibay ng mga hakbang pang-iwas upang matiyak ang mas ligtas at drug-free na komunidad.

Patuloy ang dayalogo at sama-samang pagkilos ng komunidad ay mahalagang sandigan sa pagsugpo ng iligal na droga.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, muling pinagtibay ng Basista MPS at ng lokal na pamahalaan ang kanilang pangako na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan.

Facebook Comments