KAMPANYA KONTRA ILEGAL NA AKTIBIDAD, PINAIIGTING SA BRGY. DISTRICT 3, CAUAYAN CITY

Cauayan City – Ipinakita ng pamunuan ng Brgy. District 3 na seryoso sila pagdating sa mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng mga ordinansa upang labanan ang kriminalidad sa kanilang lugar.

Nitong mga nakaraang linggo, sunud-sunod ang tagumpay na pagkakahuli ng ilang mga indibidwal kabilang na ang ilang mga menor-de-edad matapos mahuling sumusuway sa mga ordinansa tulad ng curfew hours.

Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagpapatrolya ng mga barangay tanod sa kanilang nasasakupan, hindi lang simpleng paglabag sa mga ordinansa ang kanilang nasusukol kundi pati na rin ang pagkakasangkot ng ilang indibidwal sa kaguluhan at ilegal na aktibidad.


Samantala, patuloy din ang ginagawa nilang pagtugon sa iba pang mga problema sa kanilang barangay, at mas pinaiigting pa ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at kapayaan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments