Delfin Albano, Isabela – Patuloy pa rin ang pagpapaigting ng PNP Delfin Albano sa kanilang kampanya kontra iligal na droga upang tuluyan ng maideklarang drug cleared ang kanilang bayan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Ericson Aniag sa programang Sentro Serbisyo, sinabi nito sa dalawampu’t siyam na Barangay sa Delfin Albano, may mga idineklara ng drug free at kabilang dito ay ang Barangay Aga, Capitol, Conception, San Isidro, San Macario at San Roque habang idineklara namang drug cleared ang barangay gaya ng Caloocan, Ragan Norte, Villa Perida at San Patricia.
Batay sa impormasiyong ibinahagi ni PSI Aniag, mayroong umanong 138 na tokhang responders na nakapagtapos na sa Community Based Rehabilitation noong nakaraang taon habang mayroon pa umanong tatlong natitira na kasalukuyan pa ring sumasailalim sa naturang programa.
Sa ngayon ay lalo pang pinaiigting ng PNP Delfin Albano ang kanilang pagbabantay upang lalo pang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga tao sa kanilang nasasakupang bayan at upang makamit na rin nila ang kanilang mithiing maidekrang drug free ang kanilang bayan.
Samantala, masaya namang ibininahagi ni Police Senior Inspector Ericson Aniag ang pagbaba ng Crime Volume sa kanilang bayan at batay sa datos na ibinahagi ni PSI Aniag, nasa limapu’t limang porsyento umano ang ibinaba ng Crime Volume ngayong taon kumpara sa buwan ng Enero hanggang Hunyo noong nakarang taon.