Elected Barangay at SK officials sa Cotabato City manunumpa na sa tungkulin!

Nakatakdang manunumpa na sa kani kanilang mga tungkulin ang mga halal na opisyales sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Cotabato City.

Ito ang impormasyong ipinarating sa DXMY ni City Information Officer Halimas Satol Ibrahim.

Gagawin ang Mass Oath Taking sa June 18, alas 2 ng hapon sa Peoples Palace.
Pangungunahan mismo ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang aktibidad kasama ang iba pang mga lokal officials.
Nauna ng inihayag at hinikayat ni Mayor Sayadi ang lahat ng mga elected barangay at SK Officials na tulungan ito sa kanilang adbokasiya at kampanya para sa pagpapatuloy ng katiwasayan at kaunlaran ng syudad.
Google Pic


Facebook Comments