KAMPANYA KONTRA ILIGAL NA DROGA, PINAGTITIBAY SA MANAOAG

Pinalalakas pa sa bayan ng Manaoag ang kampanya kontra iligal na droga sa pamamagitan ng isinagawang 2-Day Orientation Drug-Free Workplace Program.

 

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng 26 na mga Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC Chairpersons, Sangguniang Kabataan Officials at iba pang mga kawani ng gobyerno mula sa komunidad sa pangunguna ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) Team ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan.

 

Ibinahagi sa mga kalahok ang may kaugnayan sa pagsusulong ng mga drug-free policies.

 

Layon ng aktibidad na mapanatili ang pagiging drug-cleared status ng mga barangay sa bayan ng Manaoag.

 

Facebook Comments