Kampanya Kontra Iligal na Droga, Puspusang Tinututukan ng PNP Quezon!

Quezon, Isabela- Puspusan ang ginagawang pagtutok ng PNP Quezon sa kanilang mahigpit na kampanya kontra Iligal na droga.

Ito ang naging pahayag ni PSI Dennis Matias ang hepe ng PNP Quezon sa naging talakayan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kahapon September 1, 2018.

Aniya ay tinututukan na umano nila ngayon ang ikalawang batch ng kanilang Community Based Rehabilitation Program o CBRP kung saan ay inaasahan nilang matatapos ngayong darating na oktubre habang ang mga nauna na ay patuloy namang minomonitor ng kapulisan.


Dagdag pa ni PSI Matias ay mayroon umanong kabuuang bilang na 145 ang tokhang responders sa kanilang bayan at 63 mula rito ay nakapagtapos na sa unang batch ng CBRP habang ang natitira pang bilang ay kasalukuyan ng sumasailalim ngayon subalit mayroon din umanong 12 na tokhang responders ang hindi na nila mahanap at wala na sa kanilang bayan.

Bukod pa rito ay inihayag pa ni PSI Matias na tuluy-tuloy umano ang ginagawa nilang pagbisita sa mga paaralan upang magsagawa ng mga Drug Symposium para matalakay sa mga kabataan ang hindi magandang dulot ng droga.

Samantata, mula umano noong naupo siya bilang hepe ng PNP Quezon noong nakaraang Buwan ng Mayo ay mayroon umano silang tatlong nahuling sangkot sa ipinagbabawal na droga at isa mula rito ay boluntaryong sumuko sa kamay ng kapulisan.

Facebook Comments