KAMPANYA KONTRA KOLORUM | DOTr, makikipagpulong sa mga mall operators sa Metro Manila kaugnay ng mga colorum na sasakyan

Manila, Philippines – Tatalakayin bukas ng Department of Transportation (DOTr) sa pulong sa mga mall operators sa Metro Manila ang paghuli sa mga colorum na sasakyan na nag o-operate sa kanilang terminals.

Bunsod ito ng pagkakadiskubre ng ahensiya na marami pa rin ang mga colorum vehicles ang nasa mga terminal ng malls ang nagsasakay ng pasahero.

Nagbanta si Dotr Undersectetary for Roads Tim Orbos, na pagmumultahin na ang mga mall operators sakaling mahulihan ng mga colorum na PUVs sa kanilang besinidad.


Sa ilalim ng umiiral na Memorandum Circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagtatakda ng guidelines para sa off-street terminal operations, lahat ng lalabag dito ay pagmumultahin ng mula 50 libong piso sa bawat colorum na jeepney at 1 milyong piso naman sa bawat colorum bus.

Base sa datus, may 195 malls sa Metro Manila ay nagsisilbing transport hubs at 16 ng kabuuang bilang ay matatagpuan sa kahabaan ng Edsa.

Minsan nang binalaan ng DOtr at LTFRB ang mga mall owners na huwag payagan ang mga colorum vehicles na sumingit sa kanilang mga terminal para na rin sa protection ng riding public.

Facebook Comments