Lalaking nagtangkang nagnakaw ng motorsiklo kinasuhan na

Pormal ng pinagharap ng kaso kahapon sa City Prosecutors office ang lalaking nagtangkang nagnakaw ng Honda beat single motorcycle kamakalawa ng gabi sa Don E. Sero street barangay RH-5, Kasong paglabag sa RA-10883 o carnapping ang kinakaharap ngayon ni Salem Kahar na residente ng Espino ng lungsod. Siyay nahuli sa akto ng mga barangay tanod ni Kapitan Amil Sula, na kinakalikot ang switch ng Honda beat na nakaparada sa 1st street,na pag-aari ni Nhorhane Mlok habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan na nakasakay ng motorsiklo.Sa ngayon ay nakapiit parin sa lock-up cell ng PP2 ang suspect.

Facebook Comments