Kampanya kontra krimen mas pinalakas sa Maguindanao

104

Kalaboso ang dalawang personalidad sa magkahiwalay na checkpoint operation sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni PRO BAR Spokesperson Cpt. Jemar Delos Santos, unang naaresto sa checkpoint ng 90th IB sa Bagan Detachment sa Guindulungan ang isang habal – habal driver na kinilalang si Mohamad Macacua, 21 residente ng Mother Poblacion sa Cotabato City. Nakumpiskahan ito ng isang caliber 45 pistol. Agad namang naiturn over sa Guindulungan MPS ang suspek.
Samantala arestado rin sa checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng PNP sa Nituan Parang Maguindanao ang isang wanted person. Kinilala ito na si Muslimin Guiamad, AKA Alexander Baraguir, 30 anyos residente ng Gadungan Parang. Naaresto ito dahil na rin sa kasong Murder na kinakaharap.
Nagpapatuloy naman ang mas pinalakas na kampanya ng mga otoridad sa anu mang uri ng krimen sa buong lalawigan giit pa ni Cpt. Delos Santos.
Parang MPS File Pic

Facebook Comments