Labing anim na mga BIFF Members ang muling nagbalik loob sa pamahalaan sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao
Sinasabing ang mga ito ay nasa ilalim ng isang Kumander Guiabar Simpal. Kabilang sa kanilang isnuko ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng (2) Sniper Rifle cal. 50 Barret, ( 2) Caliber 30 M1 Garand Rifle, (1) M14 Rifle, (1) M16 Rifle, (1) RPG at (1) 60 mm Mortar (Home Made).
Naging posible ang pagbabalik loob ng mga BIFF Members sa inisyatiba na rin ni Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu katuwang ang AFP at PNP.
Present sa aktibidad ang mga opisyal ng military na kinabibilangan nina 1st Mechanized Deputy Brigade Commander Col. Ferdinand Lacadin , 33rd IB Batcom Lt. Col. Elmer Boongaling at DAS COP PLt. Judith Ambong at iba pang mga opisyales ng LGU DAS.
Ang aktibidad ay kabilang pa rin sa adbokasiya ng DAS LGU na mapanatili ang katahimikan sa kanilang komunidad kasabay ng nagpapatuloy na kampanya kontra loose firearms at kriminalidad.
Ang kampanya ng DAS LGU ay bilang suporta na rin sa mga inisyatiba sa probinsya ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu
DAS MPS PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>