Kampanya kontra online gambling pinag-igting ng PAGCOR at apat na ibat ibang ahensiya ng gobyerno

Tutuldukan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang illegal online gaming matapos na pumasok sa Mutual Cooperation Agreement sa pagitan ng Philippine National Police (PNP), National Bureau  of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at Office of Cybercrime sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Ang pagbuo ng Inter Agency Council ay bilang pagtugon sa Executive Order no.13 Series 2017 na inisyu ni pangulong Rodrigo Duterte noong Febuary 2, 2017 upang palakasin ang paglaban sa illegal online gaming.

Sa ilalim ng naturang EO ang PAGCOR ang mayroong kapangyarihan para pamahalaan lahat ng klaseng game of chance kabilang ang online gaming.


Trabaho rin ng Inter Agency Council na magpapatupad ng kanilang sariling pamamaraan ng  imbestigasyon kabilang ang digital forensic examination,gaming license validation,visa certifications at filling of appropriate criminal and administrative charges laban sa online gambling operators.

Facebook Comments