Pangulong Duterte maraming aktibidad na dadaluhan ngayong araw

Sunod-sunod ang aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

 

Batay sa official schedule na ibinigay sa Media ay tatlong public engagements ang pangungunahan at dadaluhan ni Pangulong Duterte at dalawa sa Taguig habang isa naman ang gagawin sa Pasay City.

 

Alas-4 ng hapon mamaya ay inaasahan na pangungunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Marawi Heroes Memorial na gagawin sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig.


 

Susundan ito ng pagdalo ng Pangulo sa 122 Founding Anniversary ng Philippine Army na gagawin naman sa Philippine Army Officers Clubhouse sa kaparehong lungsod.

 

Mamayang gabi naman ay dadaluhan ni Pangulong Duterte ang Opening Ceremony ng 32nd Biennial Convention ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na gagawin naman sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Facebook Comments