Bagamat ikinalulungkot nila ang pagkakaroon ng poliovirus case sa lalawigan na ikatlong kaso sa bansa, itinuturing naman nila itong opurtunidad upang mas matugunan nang mabuti ang mga pangangailanang pagkalusugan ng mamamayan ng Maguindanao ayon kay IPHO-Maguindanao Chief Dra. Elizabeth Samama sa naging panayam ng DXMY.
Sinabi pa ni Dra. Samama na ang 4 na taong gulang na bata na dinapuan ng poliovirus ay residente ng Barangay Kalipapa, Datu Piang, Maguindanao.
Nagpakita anya ito ng mga sintomas ng polio.
Kanila ring nadiskubre na hindi ito nakakuha ng oral polio vaccine (OPV).
Makaraang maitala sa Maguindanao ang ikatlong kaso ng poliovirus sa bansa ay agad naman umaksyon ang Department of Health.
Ayon kay Dra. Samama, sunod-sunod ang kanilang pagpupulong kasama ang technical staffat nag-organisa na rin ang IPHO-Maguindanao ng provincial polio incident managment team at inaktivate na rin nila ang emergency operation center.
Sinabi pa ni Dra. Samama na tinalakay na rin nila ng DOH-central office katuwang ang UNICEF ang plano na magsagawa ng polio outbreak responce.
Napag-alaman pa mula kay Dra. Samama na mayroon silang 12 na minomonitor na Acute flaccid paralysis (AFP) case subalit ang mga ito ay negatibo sa poliovirus maliban lamang sa kaso ng isang bata sa bayan ng Datu Piang.
Samantala kinumpirma rin ngayon ang isa pang suspected case ng Polio sa bayan ng Datu Paglas.
Kampanya kontra POLIO sa Maguindanao mas pinapalakas pa ng IPHO!
Facebook Comments