NEWS REPORTER/ANCHOR AT MGA OJT NG IFM DAGUPAN HINAHANGAAN MATAPOS IBALIK ANG ISANG CELLPHONE NA KANILANG NAPULOT

Isang kabutihan ang ipinamalas ng mismong News Anchor kasama ang mga Senior High School OJT ng IFM Dagupan matapos maibalik ang isang cellphone na kanilang napulot sa Bonuan Tondaligan nito lamang March 28.
Kwento ni Idol Jhon Caranto at mga kasamang OJTs na nakita nilang naiwan sa tabing dagat ang cellphone. Bagamat maraming naliligo ng oras na yon wala ni isa sa kanila ang kumuha sa naturang cellphone kaya nila pinulot.
Sa tulong ng Facebook, nanawagan si Idol Jhon upang mahanap kung sino ang may ari.

Goodnews dahil noong Huwebes, March 30 nakuha na ng may ari ang cellphone.
Mula kay idol Jhon, nagpapasalamat ito sa mga nagshared ng kanyang post sa facebook.
Lubos din ang galak nitong makatulong na maibalik ang cellphone dahil siya mismo nasubukan nang mawalan ng isang bagay na mahalaga.
Mula sa IFM, very proud kami sayo idol Jhon Caranto at mga Senior High School OJT namin sa inyong ipinakitang malasakit sa kapwa. Naway tularan kayo ng ating mga idol. |ifmnews
Facebook Comments