Manila, Philippines – Pinapurihan ng United States Dept. of Labor ang kampanya kontra sa Child Labor o Batang Manggagawa ng DOLE matapos bisitahin ang Angono Rizal ang kauna unahang munisipalidad sa bansa na Child Labor Free.
Ayon kay DOLE CALABARZON Regional Director Maria Zenaida Angara Campita na dumalaw sa Brgy. Kalayaan at Mababang Parang Munisipalidad ng Angono Rizal sina US officials Monika Hartsel at Rommek Calderwood upang pag-aralan kung paano nagawa ng Lokal na Pamahalaan na wakasan ang Child Labor sa mga Brgy. at mapanatili ng komunidad ang kanilang pagiging Child Labor Free.
Hinangaan ng US officials’ ang sama-samang pagkilos at ipinahayag na ang programa ng nasabing bayan ay upang wakasan ang Child Labor ay maaaring gawing modelo ng iba pang Lokal na Pamahalaan at posibleng gagawin ng Amerika ang pamamaraan ng Pilipinas.
Dahil dito, lumagda ang lokal na pamahalaan ng kasunduan kasama ang DOLE at DILG upang suportahan at ipatupad ang kampanya para sa isang Child Labor Free Municipality kung saan nagbigay ng 750 libong pisong pondo ang DOLE para sa proyektong pangkabuhayan sa mga kabataan.