Kampanya kontra terorismo at shabu mas pinalaks ng 6th ID

Nakakumpiska ng Shabu, mga components ng Improvises Explosive Device at Black Flag ang mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa operasyon sa mga boundaries ng mga bayan ng Talitay at Datu Anggal Midtimbang Maguindanao noong weekend.

Sinasabing may namataang mga armado sa Sitio Simboloy Brgy. Kuden Talitay at Brgy Brar DAM kung kayat agad na nagsagawa ng Combat Strike Operation ang military sa impormayong nakuha kay 6th ID Division Public Affairs Officer Army Capt. Arvin Jhon Encinas sa panayam ng RMN Cotabato ngayong umaga .

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang Wahida Laguia 29 anyos na nakuhanan ng 23,000 halaga ng ipinagbabawal na gamut. Nadiskubre rin sa tahanan nito ang black flag. Habang sinasabing maaring supporter ito ng local terrorist.


Ang matagumpay na operasyon ay bunsod pa rin sa mas pinalakas na kampanya ng 6th ID sa ilalim ni Commanding General MGen Arnel Dela Vega kontra terror group at illegal drugs sa Central Mindanao.

6th ID PICS



Facebook Comments