Walang extrajudicial killing – Presidential Communications Sec. Andanar

Manila, Philippines – Nanindigan si Presidential Communications Sec. Martin Andanar na walang Extra Judicial Killings sa bansa.

Sabi ni Andanar, wala namang capital punishment o death penalty sa Pilipinas para magkaroon ng EJK.

Wala rin aniya sa saligang batas ang state-sanctioned killings, kaya’t posibleng napatay sa lehitimong operasyon o kaya ay pinatay ng mga taong nasa bentahan din ng iligal na droga ang mga nadadamay sa war on drugs.


Muli ring nanindigan si Andanar na hindi pinapayagan ng Duterte administration ang mga pagpatay o EJKs.

Facebook Comments