Baguio City, Philippines – Inaasahang magsasagawa ang COMELEC sa Baguio City ng Voter’s Education Campaign para ipaalam sa mga botante ang iba’t ibang klase ng vote buying na kadalasang nangyayari tuwing panahon ng kampanya.
Ayon kay City Election Supervisor Atty. John Paul Martin ay talamak parin daw ang pagbili ng boto tuwing eleksyon kahit na nagkaroon na sila ng mga kampanya kontra Vote Buying noong mga nakaraang eleksyon.
Dagdag pa niya ay nakikipagtulungan ang COMELEC Baguio sa Department Of Justice upang maparusahan ang mga taong mahuhuling bumibili ng boto.
Facebook Comments