Mas pinag-iigting ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Philippine National Police, ang Dagupan City PS at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang kampanya laban sa droga sa lungsod ng Dagupan.
Bunsod ng striktong pagpapatupad ng mga utos at hakbanging nagbabawal sa droga, hindi pinagbibigyan ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, ay ang resulta nitong konti na umano ang kaso ng drug-related at namiminimize na ito sa lungsod.
Kaugnay din nito ang patuloy na pagsasaayos ng Balay Silangan Reformation Center para sa mga Dagupenong nasangkot sa iligal na droga at nais magkaroon ng bagong buhay.
Sa pamamagitan nito, sasailalim sila sa mga ilang aktibidad na pang-edukasyon, kalusugan, psychosocial, at pisikal na aktibidad sa loob ng isang buwan na susundan ng dalawang buwang livelihood training.
Dagdag pa rito ang magaganap na malakihang kampanya laban sa droga na BIDA Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Fun Run sa darating April 30. Iba’t-ibang ahensya at kalahok sa buong Region I ang pagmumulan ng tinatayang nasa higit sampung libong mga runners. Pangungunahan naman ito ni DILG Sec. Benhur Abalos.

Facebook Comments