Nangako si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos na palalakasin ang kampanya kontra cybercrime.
Sa pagbisita ng kalihim kanina sa Philippine National Police (PNP) headquarters, sinabi nito na kailangang makasabay ang Pambansang Pulisya sa mabilis na pagbabago sa usapin ng cybercrime, kaya’t mahalagang maipaabot sa kanya kung anong mga kagamitan pa ang kailangan ng PNP.
Ayon kay Abalos kung kinakailangang kumuha ng mga eksperto para maisailalim sa pagsasanay ang mga pulis ay kanya itong gagawin.
Aniya, importanteng maipabatid sa publiko ang mga modus ng mga kawatan upang hindi sila maging biktima.
Sinabi rin nito na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay prayoridad ang pagpapalakas ng kampanya laban sa cybercrime.