KAMPANYA LABAN SA KRIMEN, MASPINAIIGTING SA PANGASINAN

Patuloy na pinaiigting ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang kanilang mga operasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko.

Sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, nadakip ng mga operatiba mula Oktubre 24–30, 2025 ang walong suspek sa pamamagitan ng anti-illegal drug operations kung saan nakumpiska ang 39.10 gramo ng shabu na may tinatayang halagang 265,880 piso batay sa Standard Drug Price.

Samantala, sa mga manhunt operations na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan, labing-apat na indibidwal na kabilang sa listahan ng Other Wanted Persons ang naaresto.

Sa mga focused police operations, isang lumabag ang nadakip at isang hindi lisensyadong baril ang nakumpiska.

Bahagi ito ng tuloy-tuloy na hakbang upang maiwasan ang mga insidenteng may kinalaman sa baril at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Hinikayat naman ng pamunuan ng Pangasinan PPO ang publiko na patuloy na makipagtulungan at suportahan ang mga programa ng pulisya tungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na lalawigan.

Facebook Comments