Kampanya laban sa paputok ngayong nalalapit na bagong taon, pinaigting pa ng ilang Metro Manila Mayors

Pinaigting pa ng ilang Metro Manila Mayors ang kampanya laban sa paputok ngayong nalalapit ang pagsalubong ng bagong taon.

Kabilang dito si Marikina Mayor Marcelino Teodoro na naglabas ng Executive Order para ipagbawal na ang mga paputok at kanselahin ang taunang fireworks display at concert.

Layon aniya ng hakbang na protektahan ang mga tao laban sa pagtitipon-tipon at umpukan para makaiwas sa COVID-19.


Nakatakda namang pagtibayin ng Marikina LGU ang ordinansa at magpatupad ng kaukulang multa at parusa sa mga lalabag.

Maliban kay Teodoro, una nang naglabas ng kautusan laban sa pagbabawal ng paputok sina; Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Navotas Mayor Toby Tiangco, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, Makati Mayor Abigail Binay, at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Facebook Comments