Kampanya laban sa pekeng vaccination cards sa Cagayan de Oro, mas pinalakas

54

Mas pinalakas ngayon ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang kampanya laban sa mga pekeng vaccination cards.

Kasama na rito ang mga certificates na ginagawa at ibenibenta sa mga printing shop, internet cafes at iba pang establisemento.

Napag-alaman na may natanggap na impormasyon ang mga otoridad na may mga indibidwal na gumagawa ng mga pekeng vaccination cards at certificates upang makapasok sa mga indoor establishment kung saan ipinatutupad ang ‘’No Vaccine, No Entry’’ Policy.


Facebook Comments