Angadanan, Isabela- Patuloy parin ang puspusang pagbabantay at kampanya ng PNP Angadanan kontra iligal na sugal at droga sa kanilang nasasakupang bayan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Carlito Manibug ang Deputy Chief of Police sa naging ugnayan ng RMN Cauyan sa programang Sentro Serbisyo kahapon, Hunyo 2, 2018.
Aniya, mula umano noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay may apat na katao na ang nakasuhan sa iligal na sugal at apat pang katao dahil din umano sa iligal na droga.
Dagdag pa niya kadalasan umano sa mga nahuhuli ay ang mga naglalaro ng jueteng, majong, baraha at iba pang larong may kinalaman sa iligal na sugal habang nakuhanan naman ang apat na katao ng mga droga at marijuana sa kanilang ikinasang Drug Buy Bust Operation.
Samantala, mula umano sa kabuuang bilang na 59 Barangay sa kanilang bayan ay nasa tatlumput anim rito ang drug affected at may kabuuang bilang ng 230 tokhang responders habang tatlong barangay pa umano ang idineklara ng drug.
Dagdag pa ni PSI Manibug, 210 tokhang responders na umano mula sa kabuuang bilang ang nakapagtapos na sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) habang ang nalalabi ay sumailalim na sa second batch kung saan ay nagtapos lamang noong ika isa ng hunyo ngayong taon.
Sa ngayon ay mas mahigpit pa umano ang ginagawang monitoring ng kapulisan sa pagsupil sa iligal na sugal at droga upang matiyak na ang kanilang bayan ay mas maging mapayapa at hindi na bumalik at madagdagan pa ang pagdami ng mga taong lumalabag sa batas kontra iligal na droga at sugal.