Kampanya ng PNP Cabagan Kontra Iligal na Droga, Puspusan Parin!

Cabagan, Isabela- Patuloy parin ang pagtutok ng PNP Cabagan sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PCI Noel Magbitang ang hepe ng PNP Cabagan sa naging panayam ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo.

Aniya, tuloy-tuloy umano ang kanilang monitoring sa kanilang kampanya kontra droga matapos ang pagbalik ng ilang mga tokhang responders sa iligal na gawain.


Sa bayan ng Cabagan ay mayroon umano silang 428 na tokhang responders at mula rito ay mayroong 35 na naaresto matapos mahuli ng PNP Cabagan na bumalik sa pagdodroga.

Ayon pa sa hepe na sa kanilang pinakahuling monitoring ay mayroong apat na katao ang naaresto kung saan ang mga ito ay mga newly identified.

Inihayag din nito na sa kasalukuyan ay may mga tinitutukan at binabantayan ang PNP Cabagan na kabilang sa high value target kung saan ay sangkot ang barangay official.

Samantala, mula umano sa dalawampu’t anim na Barangay sa Cabagan ay isa ang naideklarang drug cleared, apat ang drug free habang may anim pang mga barangay ang inaasahang maidedeklarang drug cleared.

Facebook Comments