Balak ng Go for Vote Movement na makipag partner sa mga private at public schools upang mas mapalawak pa ang kanilang kampanya na pagbibigay ng libreng voters education bago ang halalan sa Mayo.
Ayon kay Atty. Erickson Balmes , Pangulo at convenor ng grupo ,bagamat limitado na lang ang araw bago ang eleksyon kaya pa nilang mag organisa ng mga seminars para sa mga stakeholders .
Naglilibot na sa ibat ibang lugar sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa ang mga volunteers ng Go for Vote Movement at hinihikayat ang mga registered voters na bumoto.
Itoy pagkatapos pormal na ilunsad nitong nakalipas na araw sa Quezon City ang bagong advocacy group.
Paglilinaw pa ni Atty. Balmes, non – partisan at non- governmental organization ang samahan at binubuo ng mga volunteers.
Dito sa Metro Manila , target ng kanilang free voters education seminar ang mga eskwelahan at tumatanggap din sila ng mga imbitasyon para puntahan .