Ito ay isa sa mga pangunahing pangako ng 25 kalahok na kumakatawan sa radio, television, print at multimedia entities sa katatapos na Orientation on the PPDP for Local Media Practitioners na isinagawa kamakailan sa Tuguegarao City, Cagayan.
Binigyang diin ni POPCOM Regional Director Herita Macarubbo, ang makapangyarihang papel ng media sa pagtuturo sa pangkalahatang publiko at paghubog ng kanilang isipan sa iba’t ibang programa at aktibidad ng pamahalaan.
Ayon pa sa kanya, kailangang ituon ang mga interbensyon sa adbokasiya sa pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa populasyon tulad ng mataas na teenage pregnancy, high fertility at maagang pag-aasawa, bukod sa iba pa.
Positibo naman ang komisyon sa pagbibigay kapangyarihan sa mas maraming kabataan, pamilya at komunidad ng mga Pilipino kahit nasa labas ng Rehiyon 2.