Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Sison ang kanilang pagsasagawa ng kampanyang nagbibigay impormasyon at edukasyon sa kanilang mga nasasakupan na siyang pinangasiwaan ng NCIP – Sison Community Service Center.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay naglalayon na lalo pang mamulat ang katutubo o mga indigent people o IP ukol sa importansya ng batas na Republic Act 8371 o mas kilala bilang, The Indigenous Peoples Rights Act of 1997.
Ang programang ito ay makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga kababayan nilang Indigent People.
Ang alkalde naman ng bayan ay isa rin sa nagsusulong ng paraan para mas lalo pang mapangalagaan maprotektahan, at kilalanin ang mga karapatan ng mga katutubo sa bayan.
Patuloy umanong magkakaroon ng mga ganitong aktibidad ang lokal na pamahalaan para sa mga katutubo.
Samantala, nagsagawa rin sa naturang aktibidad ang pamamahagi ng libreng medical equipment para sa mga IP Communities sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments