KAMPEONATO | Djokovic kampeon sa Wimbledon!

London – Muling tinanghal na grand slam champion si dating world number 1 Novak Djokovic matapos talunin sa Wimbledon finals si Kevin Anderson 6-2, 6-2, 7-6 (3).

Ito ang unang grandslam title ni Djokovic simula noong 2016 at ika-labing tatlong major title sa kaniyang career.

Kung marami ang natuwa sa pagkakapanalo ni Djokovic, marami naman ang nadismaya sa laro ni Anderson.


Hindi kasi nakita ang tapang at tibay ng loob ni Anderson na ipinamalas niya noong patalksikin sa epic na five setters sina Roger Federer at John Isner sa quarterfinals at semifinals.

Pero sabi naman ng iba napagod kasi ng husto si Anderson kaya kinapos ito sa finals.

Facebook Comments