KAMPEONATO | NCR, overall champion sa 2018 Palarong Pambansa

Ilocos Sur – Isa na namang kampeonato ang nasungkit ng National Capital Region (NCR) sa katatapos lang na 2018 Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ito na ang ika-labing apat na sunod na taong kampeon sa nasabing sporting event ang NCR.

Humakot ng 220 medalya ang Metro Manila na karamihan ay mula sa taekwondo, gymnastics at swimming.


Nagtapos naman sa ikalawang pwesto ang Calabarzon habang ikatlong puwesto ang Western Visayas.

Samantala, bukod sa cash incentive, kikilalanin din bilang Athlete of the Year ang gold medalist sa Palarong Pambansa na si Julius Glen Vasquez.

Si Vasquez ay ang grade 6 student mula Naga Central School na humakot ng pitong medalya sa palaro.

Ang parangal ay ibibigay kasabay ng gaganaping mayoral awards sa Charter Anniversary ng Naga sa Hunyo.

Facebook Comments