Kampeonato sa Motocross sa buong Pilipinas tubong Pangasinan
Sa pangatlong pagkakataon nasungkit ulit ng Rider na si Bornok Mangosong na tubong Asingan, Pangasinan ang kampeonato sa MotoCross Messiah (MMF) Supercross 2019 na ginanap kamakailan lamang sa Mx Messiah Fairgrounds, Taytay, Rizal.
Nakakuha siya ng 75 puntos na may lamang na 11 puntos sa kanyang malapit na katunggali na si Ralph Ramento. Apat na taong gulang nang nagsimula si Mangosong sa pagmo-motocross at ngayon isa na siya sa mga nagsusulong nito.
Nagsimula kahapon hanggang sa linggo ang libreng basic motocross safety at handling na pinangunahan ni Mangosong na pinamagatang “Yamaha REVFEST, Rev My Ride”.
Ito ay nagsimula sa ganap na 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa openground ng Angela Valdez Ramos National High school kasabay ng Kankanen Festival sa Asingan. Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataong matuto ang kabataan ng Pangasinan sa larangan ng Motocross.
Ito ay isang sports na nagmula sa United Kingdom at nai-pakilala sa Pilipinas noong 1982.
Ginagamitan ito ng pang karerang motor na may iba’t ibang stunts mula sa taas na 75 ft. hanggang 80 ft. at isinagawa sa malambot na klase ng lupa.
Ulat ni: Divine Grace Magno
Photo Credit: Bornok Mangosong [image: 33672877_931800073668384_7387079685940707328_n.jpg]
Kampeonato sa Motocross sa buong Pilipinas tubong Pangasinan
Facebook Comments