Kampilan Troopers mula Marawi binigyan ng Heroes Welcome

Nagmistulang instant celebrities ang mga elemento ng military na nagmumula sa hanay ng 61st, , 62nd , 63rd Division Reconnaissance Company ng Joint Task Force “ Central” matapos salubungin ng kani kanilang mga mahal sa buhay , mga kaibigan , mga kabataan at binigyan ng Heroes Welcome sa kanilang pagbabalik sa 6th ID Kampilan Division.

Bumuhos rin ang emosyon sa Kampilan Division ng bigyan ng pagkilala ni 6th ID Commanding General MGen Arnel Dela Vega ang naging kabayanihan ng mga ito.

Matatandaang agad na idineploy ang 3 DRC sa ikalawang araw ng Marawi Siege , upang magbigay ng proteksyon sa mga sibilyan . Maliban sa pagtulong sa retrieval operation, nakarecover din ang mga ito ng 4 na high powered fire arms, 2 low powered firearms, 5 rifle grenades. Sila rin ang nasa likod ng neutralization ni LTG Sub Commander Abu Seerah habang anim sa mga ito ang naging wounded in action.


Lubos namang pinasalamatan ni 1st Lt. Roel Fortuna, Commanding Officer ng 61 st DRC ang pamunuan ng AFP sa suporta habang nasa battle ground sila. Pinasalamatan rin nito ang lahat ng mga pamilya ng kanyang tropa dahil na rin sa makapangyarihang panalangin na nagbunga ng kaligtasan ng kanyang buong hanay sa limang buwang pakikipagpatintero kay kamatayan.

Kaugnay nito kapwa umaasa ang lahat ng halos 400 mga tinaguriang Bayani ng Kampilan Division na sanay manatili na ang Kapayapaan sa buong bansa.

Facebook Comments