Kampo inabandona ng ISIS Inspired group sa North Cotabato

Tatlong mga kampo na inabandona ng Isis Inspired group na pinamumunuan ni Ustadz Esmael Abdulmalik alyas Abu Turayfe ang tuluyang nakubkob ng militar sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon sa pahayag ni 6th ID Spokesperson at DPAO chief Capt. Arvin Encinas, nadiskubre ang magkahiwalay na kampo ng grupo sa bahagi ng Barangay Bentangan at Tonganon, sa bayan ng Carmen. Ito ay nadiskubre sa nagpapatuloy na military offensive laban sa grupo ni Abu Turayfe na ngayon ay may 70 tagasunod.
Sinabi ni Capt. Encinas na kayang mag accommodate ng higit isang daan katao ang nasabing kampo.
Naglunsad ng airstike at nagpaputok ng artillery ang mga sundalo sa posisyon ng mga rebelde. Resulta ang paglikas ng daang daang sibilyan . Bineberipika rin ang report tungkol sa namataang mga foreign looking national sa lugar. Dahil sa nasabing kaguluhan ay daan-daang mga sibilyan ang nagsilikas matapos na maipit sa kaguluhan. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments