Sinagot na ng kampo ng aktres na si Kakai Bautista ang diumano’y cease and demand letter ng kampo ng Thai actor at model na si Mario Maurer.
Ang cease and demand letter ay pirmado ng nagpakilalang abogadong si Koraphot Jirachocksubsin, na kumakatawan sa Kwaonhar Nine Nine, ang talent management ni Mario.
Sa liham, inakusahan si Kakai ng panggagamit umano sa pangalan ni Mario para sa publicity, na nakasisira sa imahe at reputasyon ng Thai actor.
Ngayong umaga ng Martes, naglabas na ng official statement ang kampo ni Kakai hinggil sa isyu.
Ang liham ay mula sa legal counsel ni Kakai na si Atty. Jude Marfil kung saan isa-isang sinagot ang mga paratang ng “Authorized Attorney” ng kampo ni Mario laban sa komedyana.
Paninindigan din ng kampo ni Kakai ang lahat ng pahayag na inilabas ng aktres sa kanyang previous interviews ay pawang katotohanan at may kalakip na ebidensiya.
Idiniin ng counsel ni Kakai na si Mario ay isang public figure at hindi maaaring magreklamo sa natatanggap na publicity kaya malaya si Kakai na magsalita rito.
Sa ngayon, nag-deactivate na ng Twitter account si Kakai upang makaiwas sa mga isyu.